130

Jun 28, 2019 @ 18:02
By

Mga store signage limitado na lang sa English, Filipino

Naglabas ng kautusan ang Department of Trade and Industry (DTI) sa lahat ng mga negosyo sa bansa na salitang “English at Filipino” lang ang pwedeng gamitin sa kanilang mga signage at marketing material.

Pirmado ni Secretary Ramon Lopez ang kautusan, aniya, kailangang mai-guide ang mga mamimili sa kanilang buying decisions.

Sakop ng kautusan ang mga signage, billboard, advertisement, brochure, flyer, notice, advisories, labels, price tags/lists, menus, receipts at iba pang material.

Multang mula P1,000 hanggang P300,000 at kanselasyon ng business license ang posibleng kaharapin ng mga lalabag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?