3,188
views
martin-andanar

Mga staff ni Andanar sa PCOO, ‘patay-gutom’ – Davao journalist

Sharing is caring!

Kinastigo ng beteranong mamahayag sa Davao ang ilang kawani ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) kaugnay na sobra-sobrang pagkain na hinirit ng mga ito nang magtungo ang mga ito sa Surigao City.

Sa kanyanng Facebook post noong Martes, tinawag ni Edith Gung Caduaya ang PCOO team na “Hab-Hab” na ang ibig sabihin sa Tagalog ay “lamon”

“You are not in a position to dictate what food your host should serve! You are not in a position to Dictate what service vehicle you should use! You are NOT their BOSS!” sabi ni freelance journalist na si Caduaya.

“YOU HAVE YOUR OWN BUDGET TO SPEND! DO NOT TREAT REGIONAL PEOPLE AS SLAVES! YOU ARE PUBLIC SERVANT!” dagdag pa nito.

Bagama’t nilinaw nitong hindi lahat ng kawani ng PCOO ay tiwali, binigyang-diin nitong tama lang ang bansag nitong “patay-gutom” sa ilang mga kasama nito.

Kasama sa kanyang post ang isang litrato ng maraming pagkain na kinabibilangan ng alimango, lobster at lechon na pinagpiyestahan ng naturang grupo sa kanilang Surigao trip.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?