60

Nov 18, 2020 @ 12:45
By

Mga squatter sinisi ni Duterte sa deforestation

Binintang ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mahihirap na pamilya ang dahilan kaya nauubos ang mga puno sa bansa.

“‘Yong average Pilipino, they cannot afford a concrete house so halos lahat dyan, let us use the word being understood by all, ‘yang mga squatters, puro kahoy ‘yan. Bibili ‘yan including coconut wood,” giit ni Duterte sa briefing kasama ang Gabinete kagabi.

“Ang problema niyan, sa bukid, talagang magpuputol ‘yan ng kahoy, because ang mga Pilipino, ‘yan lang (ang kaya). Saan naman sila kukuha ng semento? Where do they cut the trees? In Canada? Or pupunta pa sila sa South America o Africa? So kung anong makita nilang nabibili sa small-scale… karamihan ‘yan ang ginagawang bahay ng mga tao,” dagdag niya pa.

Sabi ng Pangulo, tumataas ang pangangailangan na magsibak ng puno habang taun-taong nadaragdagan ang populasyon ng bansa.

“Magtatayo ng bahay, and the temptation to cut the trees and bring it there to the lower land ay really to build houses, kaya ‘di ‘yan mawawala,” aniya pa.

Hindi aniya niya alam ang gagawin para malutas ang problema sa illegal logging.

Una nang inutos ni Duterte sa Department of Environment and Natural Resources na imbestigahan ang illegal mining at logging activities sa Cagayan Valley, matapos magkaroon ng malubha at malawakang pagbaha sa rehiyon na ayon sa lokal na awtoridad ay dahil sa pag-ulan noong Bagyong Ulysses, siltation ng Cagayan River, at pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?