41

Apr 15, 2021 @ 18:30
By

Mga sports personality hinirit: GAB dapat managot sa VisMin Cup scandal

Hindi lang mga koponan at manlalaro ng Pilipinas VisMin Super Cup ang dapat managot sa nangyaring kontrobersyal na laro sa pagitan ng ARQ Builders-Lapu Lapu City Heroes at Siquijor Mystics.

Ayon kay Julius Manicad, sportswriter ng Daily Tribune, dapat ding papanagutin ang Games and Amusements Board (GAB), na nagbigay ng professional license sa naturang liga.

“I think GAB should also suspend itself by giving pro license to a fledgling league with undeserving players,” ayon kay Manicad.

Hirit naman ni Noli Eala, na dating nagsilbi bilang commissioner ng PBA, dapat magbigay muna ng probation period ang GAB sa mga liga na nag-aapply bilang professional league.

“If this had been a barangay or a non-pro league, nobody would say anything. But the GAB gave a pro tag to the VisMin Cup without even verifying its qualifications,” saad ni Eala.

Ito din ang sentimyento ni Manicad, na sinabing hindi umano nagawa ng maayos ng GAB, na pinamumunuan ni Baham Mitra, ang pagsala sa mga atleta at pag-alam sa background ng VisMin Cup.

Umabot na rin sa Senado ang nasabing isyu kung saan nag-react din sina Senador Joel Villanueva at Sonny Angara sa alegasyon ng bentahan ng laro sa nasabing liga.

“That’s terrible, we’ll ask update/s from GAB,” saad ni Villanueva.

“Game fixing will destroy sports,” wika naman ni Angara.

Sa naging pahayag ni GAB chairman Mitra kasunod ng kontrobersyal na laro sa VisMin Cup, binalaan nito ang mga basketbolista na puwedeng bawiin ang kanilang mga lisensya para maglaro.

We would like to remind our players that a license to practice profession is not a right, but a concession and a privilege granted by the government,” ayon kay Mitra.

“Now, if they fail to abide by the rules, the government has the right to step in to impose necessary sanctions or revoke such privilege.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?