89

Nov 21, 2021 @ 15:10
By

Mga solid kay Marcos Jr. rumampa sa Ilocos Norte

Nagtipon-tipon ang mga taga-suporta ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Ilocos Norte ngayong Linggo upang magsagawa ng ‘unity ride.’

Ayon sa ilang mga nag-organisa ng unity ride, aabot sa 30,000 katao ang nagparehistro para sa naturang aktibidad, kung saan nasa 15,000 sasakyan ang rumampa upang ipakita ang suporta kay Marcos.

Ang motorcade naman ay nagsimula sa bayan ng Paoay at dumaan sa mga bayan ng Currimao, Batac, San Nicolas at Laoag City.

Sa kabuuan ay nasa 83 kilometro ang kanilang inikot.

Si Marcos ay dating kinatawan ng ikalawang distrito ng Ilocos Norte at naging bise gobernador at gobernador din ng naturang lalawigan. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?