15

Jan 26, 2021 @ 13:53
By

Mga ‘smuggled’ Sinopharm vaccine ‘di naman sobrang dami – distributor

Sinabi ng presidente at CEO ng MKG Universal Drugs Trading Corporation na hindi naman madami ang mga inismagel na Sinopharm vaccine sa bansa.

“Based on our initial investigation, ‘yung vaccine na dinala sa Pilipinas, hindi naman sobrang dami ‘yun,” ani Mark Tolentino sa isang panayam.

“Kasi may nadala dito, based on our initial investigation, galing lang ‘yun sa clinical trials. Maybe pinakamarami na ‘yung 10, sabihin natin 20 na vials. ‘Yun lang ang information na nakuha ko as of today,” dagdag pa niya.
Aniya, maaaring nakuha ang ibang doses ng Sinopharm sa isinagawang mga clinical trial sa Abu Dhabi.

Una nang tiniyak ng pamunuan ng MKG na walang ilegal na distribusyon ng bakuna nila ang magaganap sa bansa.

Aniya, kasalukuyan nang umaarangkada ang imbestigasyon nila hinggil sa ulat na may nagpapadala umano ng kanilang bakuna dito sa bansa na hindi nila otorisado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?