76
luxury-cars
By

Mga smuggled luxury cars, pinadurog ni Duterte

Sharing is caring!

Sa ikalawang pagkakataon, isinapubliko ng gobyerno ang pagdurog sa mga smuggled na luxury cars sa pamamagitan nang pag-bulldozer at paggamit ng backhoe sa Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) sa Port Irene, Sta. Ana, Cagayan.

Personal na sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdurog sa 14 na mga mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng P27million, kabilang dito ang Maserati Quattro Porte, Porsche 911 GT3, BMW Alpina B12, BMW Z1, Opel Manta, Renault R5 at walong units ng Mercedez Benz.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na dapat magsilbing leksiyon sa mga smugglers ang pagdurog sa mga sasakyan dahil hindi uubra sa kanyang administrasyon ang kalokohan ng mga sindikato.

“This condemnation of the smuggled vehicles demonstrates our firm stand to put an end to the long standing societal disease that has surrounded public task and tainted the government’s sincerity to deliver equitable social services,” anang Pangulo.

Muling binigyang-diin ni Pangulong Duterte na hindi niya kukunsintihin ang smuggling at lahat ng uri ng irregularidad at anomalya sa lahat ng pantalan sa bansa.

Ang mga winasak na sasakyan sa CEZA ay ipinuslit mula sa Japan at Korea noon pang 2014 at hindi na tinubos ng mga indibiwal at kumpanyang nagpasok sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?