1,319

By

Mga SMB player nagpaubaya ng sweldo para kay Romeo

Para mas lalo pang mapalakas ang powerhouse team nang San Miguel Beermen, nagsakripisyo ang mga manlalaro nito para makakuha pa ng isang star player sa katauhan ni Terrence Romeo.

Sa naging paliwanag ng team governor na si Robert Non, sinabi nito na handa ang kanyang mga manlalaro para tumanggap ng pay-cut para mapanatili ang tikas ng lineup ng koponan. Ito’y kahit pa marami nang superstar sa tropa.

Paliwanag ni Non, tanging si four-time PBA MVP lang ang may maximum contract sa SMB, tumitiba ng nasa P420,000 kada buwan.

“May mga players kami na nagsa-sacrifice and take pay cuts kaya nakakakuha pa rin kami ng players like Terrence,” pakli ni Non sa report ng Spin.ph.

Kanya ring nilinaw na sumusunod ang Beermen sa salary cap na itinakda ng PBA, na nasa P50M kada taon, at may salary floor ang liga na nasa P27M.

Inilahad ni Non na sa mga beterano ng San Miguel, sina Alex Cabagnot at Arwind Santos ay pumayag sa pay cut para mapanatili ang competitiveness ng koponan.

“May mga players na nagsa-sacrifice and take the pay cut. Like si Arwind (Santos) and Alex (Cabagnot), nagsa-sakripisyo sila. Naalala ko pa nga, si Alex pa ang unang nag-volunteer,” dagdga pa ng SMB governor.

Hindi naman bago ang patakaran na ito sa PBA, pahayag ng SMB official na matagal na itong ginagawa simula pa noong panahon nina Hector Calma at Samboy Lim na naging matagumpay para sa SMB noong dekada ‘90s.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?