39

Apr 13, 2021 @ 20:41
By

Mga SM mall gagamiting vaccination center

Pumayag ang magkakapatid na Sy na magamit bilang COVID vaccination site ang ilang piling SM mall upang mas maging maginhawa sa publiko ang pagpapabakuna laban sa coronavirus.

Kabilang sa kasadong maging vaccination site ang SM City Marilao, SM City Masinag, BF sa Parañaque, at SM North Edsa’s Skydome.

“As part of our continuing efforts in preventing the further spread of COVID-19, SM malls all over the country can provide convenient, safe, and accessible venues for the community to get vaccinated,” pahayag ni SM Supermalls President Steven Tan.

Maliban dito, bahagi rin ang SM Group, sa pangunguna ni Teresita Sy-Coson, sa pagsisikap ng pribadong sektor na makabili ng mga AstraZeneca vaccine para sa mga empleyado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?