129

Jan 19, 2020 @ 14:53

Mga sinungaling na witness, public official, bigatan ang parusa – De Lima

Dapat patawan ng mataas na kaprusahan at multa ang mga saksi na nagsisinungaling kabilang ang perpetual disqualification sa mga opisyal ng gobyerno na nasa likod ng maling mga testimonya, ayon kay Senadora Leila de Lima.

Sabi ng senadora ang magandang halimbawa ng bikitima na naging target ng maling kaso base lamang sa testimonya ng mga saksi na nagsinungaling ‘under oath’.

“If there’s anyone who really wants this bill to be enacted into law, that’s me,” sabi ni De Lima, isa sa mga nagtutulak na amiyendahan ang Anti-Perjury Law.

Nauna nang nanawagan si Senador Panfilo Lacson sa liderato ng Senado na parusahan ng husto ang mga nagbibigay ng maling testimonya kasunod ng pagsisinungaling ng ilang personalidad sa imbestigasyon ng Senado.

Binigyang-diin ni De Lima na nagsabwatan ang kanyang mga kalaban sa pamamagitan ng paggawa ng imbentong kuwento at maling mga testimonya ng mga saksi para sirain ang kanyang pangalan at reputasyon na nagresulta sa kanyang pag-aresto at pagkakakulong sa Camp Crame.

“Klaro naman sa sitwasyon ko na biktima ako ng mga pinagtagpi-tagping kasinungalingan ng mga gustong patahimikin ako at sirain ang aking kredibilidad,” sabi ng mambabatas.

“Mga imbentong paratang ng mga pekeng testigo—mga convicted na criminal — ang pinagbasehan ng mga gawa-gawang kaso laban sa akin,” wika pa nito.

Sa inihain niyang Senate Bill 373, nais ni De Lima na itaas ang penalty ng perjury sa dalawang degree, mula sa kasalukuyang arresto mayor o anim na buwan hanggang dalawang taon at dalwang buwang pagkakakulong sa anim na taon at isang isang araw hanggang 10 taon sa piitan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?