81

Mga ‘single’, may tiyansa na magkaroon ng dementia?

Sharing is caring!

Mas malaki umano ang tiyansang magkaroon ng dementia o hindi paggana nang maayos ng utak ang mga taong naging ‘single’ na sa matagal na panahon.

Sa isang pag-aaral, lumabas umano na 42% ang panganib na magkaroon ng dementia ang isang taong walang karelasyon kumpara sa mga may-asawa.

Ang dementia ay nangyayari pagtanda ng isang tao. Ito’y isang uri ng Alzheimer’s disease.

Ang mga namatayan naman ng asawa ay may 20 porsiyentong maaaring magkaroon nito.

Ayon pa rito, posibleng maging proteksyon upang mapababa ang tiyansang magkaroon ng dementia ang pagkakaroon ng kasama sa buhay dahil sa uri ng pamumuhay na mayroon ang mga ito tulad ng pagiging matiwasay at pagbibigay-buhay na hatid ng kanilang asawa o partner.

May malaki umanong benepisyo sa utak ng tao ang pagkakaroon ng kasama sa buhay.

“These include a more healthy lifestyle — taking better care of physical health, diet, exercise — but also the social stimulation that comes with having a partner to talk to,” ani lead author Andrew Sommerlad, isang psychiatrist at research fellow sa University College London, sa AFP.

Ang stress umano na hatid ng pagkawala ng life-long partner ay may epekto umano sa neurons sa hippocampus, ang parte ng utak na siyang responsable sa memorya, pagkatuto at emosyon ng isang tao.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang dementia ang pang-pito sa dahilan ng pagkamatay sa buong mundo kung saan 47 milyong katao na ang mayroon nito at 10 milyon pa ang naitatala kada taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?