570

By

Mga sindikato ang babanggain! Seguridad kay VP Leni hihigpitan – Robredo spox

Magle-level up umano ang security measures ng vice presidential security matapos tanggapin ni Vice President Leni Robredo ang anti-drug czar post.

“Siyempre bago niya tinanggap ito nagkaroon ng pag-uusap ang vice presidential security. Handa sila mag-step-up nung kanilang security measures. We appreciate na any support na makukuha natin sa Presidente at iba’t ibang law enforcement bodies,” saad ng tagapagsalita ng Bise Presidente na si lawyer Barry Gutierrez sa DZMM.

“Yung lebel ng panganib dito kasi mga makakalaban na natin mga sindikato siyempre mahirap na maging pare-pareho lang ng ating attitude natin towards security,” dagdag pa niya.

Pinag-aralan aniya ni Robredo ang implikasyon ng pagiging co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency.

Alam din aniya ng Bise Presidente ang posibleng risks sa kanyang pamilya sa paglaban nito sa mga sindikato ng droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?