58

Apr 2, 2020 @ 16:16
By

Mga shuttle bus kapos; public transport gamitin para sa frontliners- I-ACT

Gamitin na ang public transport kabilang ang mga kolurum na sasakyan para serbisyuhan ang healthworkers at iba pang frontliners sa krisis ng bansa laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ito ang pahayag kahapon ni Dating Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) Over-all Chairman at Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Roads, Tim Orbos sa kaniyang panghihikayat sa gobyerno para sa mas mabilis at walang panghaharang na serbisyo sa mga frontliners.

“Amid the shortage of vehicles to transport frontliners and other medical needs, the government may tap operators/drivers of public utility vehicles, including colorum, to support in this time of crisis,” ani ni Orbos.

“The whole of society must help in this battle against covid-19, not only the government, as all of us are affected,” dagdag pa nito.

Pansamantala, maari namang lagyan ng marka o label ang mga public utility vehicles (PUVs) na makatutulong na para bawasan ang problema sa sasakyan ng frontliners dahil kahit may nagseserbisyo, nalilimitahan ang kapasidad ng isang sasakyan sa umiiral na physical distancing.

Maging ang mga kolurum na van ay maari ding gawing alternatibong ambulansiya para maghatid ng mga pasyente ngayong nagkukulang ng service ambulance para sa COVID-19 cases.

“When this crisis is finally over, the government can grant colorum operators legitimate franchises,” ani pa ni Orbos .

Hindi aniya sapat ang shuttle services para matugunan ang mobility needs ng frontliners na nagagawa na lamang maglakad patungo sa kanilang trabaho.

Kung madaragdagan ang service vehicles, ang mga tinatawag na modern day heroes ay mababawasan ang pagod at hirap at mas magiging epektibo sila sa pag-asikaso sa mga pasyente.

Kaugnay nito, sinabi ni Dating I-ACT Deputy Executive Director Elmer Argano na ngayon ang panahon na dapat matulungan ang general public sa nararanasang hirap at impact na dala ng COVID-19 pandemic.

“The physical, emotional, financial and psychological stress this pandemic brings to every Filipino is beyond imagination. The least government transport officials can do is to lighten their burden by adopting out of the box and non-template actions like the activation of public transport providers that we regard as colorum,” ani Argaño.

“Not only would we provide calibrated but identifiable transport system to the public in this time of crisis, government will make the people feel it is responsive and is ready to find whatever means possible to make their lives comfortable, despite the odds,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?