21

Apr 18, 2020 @ 15:00
By

Mga show ni Taylor Swift ngayong 2020, pinigil ng COVID-19

Tiyak na masasabik ang mga fan na mapanood nang live si Taylor Swift.

Malungkot kasing binalita ng American singer-songwriter na kanselado na ang lahat ng show niya ngayong taon.

“I’m so sad I won’t be able to see you guys in concert this year, but I know this is the right decision,” tweet ni Swift.

“Please, please stay healthy and safe. I’ll see you on stage as soon as I can but right now what’s important is committing to this quarantine, for the sake of all of us.”

Itatakda na lang ang mga show niya sa 2021 kung saan bibigyan ng bagong tiket ang mga ticketholder.

Ilan sa mga show ni Swift ay gaganapin sana sa Germany, France at Spain.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?