145
Mga Serbian papalakasin ang UP Fighting Maroons
By

Mga Serbian papalakasin ang UP Fighting Maroons

Buhos ang preparasyon ng University of the Philippines Fighting Maroons para mapatid na ang lampas tatlong dekadang pangkauhaw sa kampeonato.

Bukod sa mga bagong manlalarong sasalang sa UAAP tulad nina Kobe Paras at Ricci Rivero, hahataw din ang state university sa pagkuha ng mga de kalidad na coaching staff para makatuwang ni head coach Bo Perasol.

Binahagi ng dating head mentor at ngayo’y nagbabalik bilang assistant coach na si Ricky Dandan ang mga foreign coach na tutulong sa UP para maabot ang tagumpay.

Matatandaan na dati nang nag-ensayo ang UP sa Serbia noong nakaraang taon.

Nagbunga ang pagpupursige ng UP sa foreign land, naputol ang 21-year Final Four drought at nakabalik pa sa championship rounds noong UAAP Season 81.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?