58

Jan 19, 2021 @ 13:50
By

Mga senior citizen na MMDA enforcer, posibleng alisin – Abalos

Unang tiningnan ni bagong talagang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos kung ilan ang tauhan ng kanyang hahawakang ahensya.

Sa panayam ng ‘Balitaan at Kumustahan’ sa Politiko Live, sinabi ni Abalos na nabigla siya sa bilang ng mga nakatao sa EDSA, at aniya’y dahil na rin sa pandemya kaya’t umonti ito.

“Nagulat ako ah, ang EDSA namin is 366 [ang nakadestinong MMDA personnel],” lahad ni Abalos.

“Sa 366 [enforcer], ang senior citizen ay nasa one-fourth, sabihin na nating nasa one-fifth, so hindi nakakalabas ‘yan,” aniya pa.

Bukod pa sa mga senior citizen, kinailangan ding maglagay ng mga tao sa pinatupad na EDSA bus carousel kaya’t aniya’y nauubusan ng mga enforcer sa kabuuan ng naturang highway.

“Iilan na lang naiwan dahil buong EDSA, so halos ubos ano,” ayon sa MMDA chairman, kaya’t aniyang humingi na siya ng tulong sa Highway Patrol Group para mabantayan din ang ilang major road tulad ng Commonwealth Ave. at Roxas Blvd.

Para naman sa mga senior citizen na MMDA enforcer, posibleng kunin ang kanilang mga anak o kamag-anak ngunit dadaan pa rin ang mga ito sa exam, para ipalit sa kanila sa pagtatrabaho.

Target ni Abalos na kumuha ng karagdagang 1,000 traffic enforcer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?