68
Mga senior citizen, magpatingin agad sa ospital kontra COVID-19 - solon
Mar 7, 2020 @ 14:48
By

Mga senior citizen, magpatingin agad sa ospital kontra COVID-19 – solon

Mahigpit na paalala ni Senior Citizen Party-list Rep. Francisco Gamboa Datol sa kapwa niya senior na higit pang pag-ibayuhin ang pag-iingat partikular ang pag-iwas na hindi importanteng biyahe at pagtungo sa mga lugar na may kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Kasunod na rin ito sa report na karamihan sa kumpirmadong kaso at pasyenteng kabilang sa ‘under investigation’ para sa COVID-19 ay mga matatanda o senior.

Kasabay ng pagpapa-alala ng kongresista ay ang kahalagahan na ugaliin ang tama at palaging paghuhugas ng kamay at personal hygiene practice na dapat panatilihin upang maiwasang madapuan hindi lamang ng COVID-19 kundi maging ang iba pang uri ng sakit.

Payo rin ng kongresista sa mga senior na magtungo agad sa pinakamalapit na pagamutan kung may maramdamang sintomas ng COVID-19 o iba pang sakit.

Maari umanong gamitin ang PhilHealth benefits at magtungo sa Malasakit Centers upang matulungan sa hospital bills.

“Delaying going to see the doctor may lead to untimely sickness or death,” ayon pa kay Datol.

Umapela rin ang kongresista sa mga barangay official na palagiang i-check ang kondisyon ng mga senior sa kanilang nasasakupan.

“Seniors are very active voters. It is but right that public servants reciprocate with even more vigor to attend to the needs of the elderly,” dagdag pa ni Datol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?