By

Mga senador, susuhulan para absuweltuhin si Sereno – Gadon

Sharing is caring!

Kikilos umano ang malalaki at mayayamang tao para hindi mapatalsik si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Atty. Lorenzo Gadon, nagsampa ng impeachment complaint laban kay Sereno, may impormasyon siyang tatapalan ng mga “oligarchs” ng P200 milyon ang bawat senador para bumoto para sa pag-abswelto kay Sereno.

“Itong mga oligarko na ito na palaging nananalo sa mga kaso na hawak ni Sereno ang kikilos. Hindi ko lang mapangalanan dahil ito ay aking iniimbestigahan din, kapag nalaman ko at nakakuha ako ng ebidensya, magpa file din ako ng bribery,” ayon kay Gadon sa panayam ng GMA Super Radyo DZBB.

“Aminado naman si Gadon na hindi pa niya beripikado ang impormasyon.

Ang dinig ko babayaran nila ng P200 milyon ang bawat senador na boboto sa pag-abswelto kay Sereno, iyan ay kinukumpirma ko pa ngayon,” sabi ni Gadon.

Tiwala rin umano siya na hindi kakagat ang mga senador sa iaalok na suhol.

“Pero hindi ako naniniwala na kayang bayaran ang mga senador sapagkat sila ay mayroong sariling isip at mga dignified na tao,”sabi ni Gadon. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?