74
Sereno
By

Mga senador sinukatan na ng toga para sa Sereno impeachment

Sharing is caring!

Naghahanda na ang mga senador sa paglilitis kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno kahit dinidinig pa ang mga reklamo laban dito sa House Committee on Justice and Human Rights.

Kinumpirma nina Senate President Koko Pimentel III, Senate majority leader Tito Sotto, Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senador Manny Pacquiao at Senador Ping Lacson na pinasukatan na sila ng toga na susuotin bilang mga hukom ng Impeachment Court.

Hiniram umano para gamiting sampol na gagayahin ang toga ni Drilon habang nagmungkahi pa si Sotto na gagamitin na lang nya ang lumang tga na ginamit sa paglilitis kay dating Chief Justice Renato Corona.

Samantala, sinabi ni Atty. Lutgardo Barbo, Senate secretary, na nag-aaral na ang mga senador para sa impeachment trial.

Napabigyan na sila ng kopya ng Impeachment rules na ginamit sa Corona trial.

Napirmahan na rin ni Barbo ang rekumendasyong badyet para sa paglilitis.

Pinaghanda na rin ang mga abogado, secretariat at seguridad ng Senado.

“May public pronouncements ang mga lider ng Kamara na iaakyat nila ang articles of impeachment laban kay CJ Sereno. We do not want to be caught off guard kaya kami ay naghahanda,” pahayag ni Atty. Barbo na magiging clerk of court ng Impeachment Court.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?