16

Jul 21, 2021 @ 15:29
By

Mga senador sa gobyerno: Kumilos para mapigilan pagkalat ng Delta variant

Hinikayat ng mga senador ang pamahalaan na aksiyunan at tugunan ang tumaas na bilang ng COVID- 19 case sa bansa kabilang ang mas nakakahawang Delta variant.

Ayon kay Senadora Nancy Binay, dapat ituon ng gobyerno ang pagpapatupad ng mas istriktong border control at isalba ang health care system sa gitna ng patuloy na banta bunsod na rin ng pagpasok ng Delta variant.

“With the potential brunt of the Delta variant, dalawang bagay sa ngayon ang kailangan bigyan ng focus ng gobyerno: Stricter border controls, and save the healthcare support system from a possible collapse,” sabi ni Binay sa isang statement.

“The [Department of Health] has to prepare for the possibility of our fully vaccinated healthcare workers acquiring the Delta variant,” dagdag nito.

Sabi pa ni Binay, dapat gumawa ang gobyerno ng praktikal na paraan para maprotektahan ang mga healthcare worker na mas madaling mahawaan ng virus.

“Ramdam mo sa kanila (HCWs) ang frustration at desperation,” ani Binay.

Samantala, sinabi naman ni Senador Francis Pangilinan, na panahon na para ilagay ang National Capital Region sa ilalim ng enhanced community quarantine para maiwasan ang mataas ng kaso ng Covid-19.

“Upang maiwasan ang sinapit ng Indonesia baka kailangan ng ECQ sa NCR. Pakinggan natin ang mga health experts,” sabi ni Pangilinan.

Sinabi naman ni Senador Sonny Angara at Senador Aquilino Pimentel III na dapat tutukan ang galaw ng tao para mapigilan ang pagkalat ng Delta ariant.

“Ang importante is private establishments regulate number of persons in their spaces like shops gyms buildings. Otherwise, the delta variant will spread quickly indoors,” sabi ni Angara.

“Dapat ang guiding principle natin is ‘essential’. General rule: stay at home. Exception: Go out only for essential activities,” giit naman ni Pimentel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?