By

Mga senador nakipagpulong kay Chinese Premier Li

Sharing is caring!

Isang grupo ng mga senador ang nakipagpulong kay Chinese Premier Li Keqiang kaninang umaga (Miyerkules).

Ayon kay Senate President Koko Pimentel III, pinag-usapan nila ang higit na pagpapalakas ng ugnayan ng China at ng Pilipinas,

Kasama niyang nakipagpulong kay Li sina Senate Majority Leader Tito Sotto, Sen. Sherwin Gatchalian, Juan Miguel Zubiri at Manny Paquiao.

“We met on how to further strengthen China-PH relations, like activating parliament to parliament relations,” ayon kah Pimentel.

Sa kaniyang social media account, sinabi ni Gatchalian na naging maganda ang kanilang talakayan ukol sa bilateral relations ng Pilipinas at China.

Natuwa rin si Pacquiao sa pakikipagpulong kay Li.

“It is an honor to meet Chinese Premier H.E. Li Keqiang, one of the most powerful leaders in the world. We have the common goal to strengthen the international relationship of our country,”pahayag ni Pacquiao.

Si Li ay dumalo sa ika-31 ASEAN Summit.

Narito pa siya sa bansa dahil magpupulong pa sila ni Pangilong Duterte sa Huwebes. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?