43

Nov 17, 2021 @ 21:57
By

Mga senador na-expose kay Lorenzana

Muling nagpositibo sa coronavirus si Defense Secretary Delfin Lorenza, isang araw matapos dumalo sa deliberasyon ng panukalang badyet ng Department of Defense (DND) sa Senado.

Nasabihan na rin umano ni Lorenzana ang mga senador na muli siyang tinamaan ng virus.

“We just found out through the Senate Sergeant-at-Arms that the good Secretary of National Defense is positive,” sabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa kanyang mga kasama.

“We were quite exposed yesterday,” Zubiri dagdag nito.

Dahil dito, sinabi ni Zubiri na posibleng makansela muna ang deliberasyon sa Huwebes dahil sasailalim sa PCR test ang mga taong nakasalamuha ni Lorenzana nang dumalo ito sa Senado noong Martes.

“Baka ihinto muna ang hearings bukas dahil sa exposure guys. We may have to resume on Monday na para makapag-PCR test kami lahat over the weekend,” sabi ni Zubiri sa mga reporter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?