53

Mar 1, 2021 @ 19:45
By

Mga senador inurot si Mayor Vico: Huwag kalimutan ang lovelife

May simpleng payo ang mga senador kay Pasig City Mayor Vico Sotto, na bukod sa paglilingkod sa kanyang mga kababayan ay huwag din nito pabayaan ang kanyang pribadong buhay lalo na ang kanyang lovelife.

“Honest to goodness public service sometimes can be a deep passion to many servants like us that we have sometimes too engrossed in it with our devotion to serve the people na minsan nakakalimutan natin ‘yung ating private life,” payo ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa 31-anyos na si Mayor Sotto.

“Kaya ang payo ko kay Mayor Vico, huwag niyang kalimutan ‘yung private life lalong-lalo na ang kanyang love life,” dagdag pa nito.

Nasa Senado si Sotto para personal na tanggapin ang pagkilala ng Senado sa kanyang “outstanding leadership” sa Pasig City lalo na sa panahon ng pandemya.

Si Sotto ay isa sa 12 International Anti-Corruption Champions na hinirang ng US Department.

“O baka gusto po niyang i-idolize ang ating pambansang bachelor ng Senado, Senator Sherwin Gatchalian,” pagbibiro pa ni Zubiri, patungkol sa ka-seatmate nitong si Gatchalian, na kasintahan ng aktres na si Bianca Manalo.

Nakisabat din ang tiyuhin ni Mayor Vico na si Senate President Vicente Sotto III sa biruan at sinabing, “He’s got a long way to go but I understand there are many applicants.”

Nauna nang sinabi ni Mayor Vico noong 2019 na masyado siyang busy para magkaroon ng isang kasintahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?