30

Nov 22, 2021 @ 19:30
By

Mga senador hati sa paggamit ng TikTok sa pagtuturo

Hati ang mga senador sa plano ng Department of Education (DepEd) na idaan sa TikTok ang pagtuturo ng mga guro.

Giit ni Senadora Pia Cayetano, mas magiging kapana-panabik ang pagtuturo at pag-aaral kung gagamit ng TikTok.

“Obviously that’s not the main means of learning but you know if they can learn something through TikTok and make it more exciting…This is a gamification theory which is proven to be very effective so I think that’s an interesting avenue to explore,” pahayag niya sa deliberasyon sa Senado ng proposed budget ng DepEd para sa 2022.

Nagbabala naman sa DepEd si Senador Sherwin Gatchalian sa pagsasabing ang sobrang paggamit ng social media app.

“I recalled reading a DepEd teacher who got into trouble because of excessive TikToking,” wika niya.

Kamakailan isang lalaking guro ang nag-viral matapos gumawa ng TikTok video kung paano ang pagpapa-cute niya sa mga tipo niyang estudyante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?