350

Nov 23, 2017 @ 16:53
By

Mga senador, gulat at galit sa pag-absuwelto kay Faeldon

Ikinagulat at ikinagalit ng mga senador ang pag-abswelto ng Department of Justice (DOJ) kay dating Bureau of Customs (BOC) Comissioner Nicanor Faeldon at mga dati nitong kasamahan sa BOC na nadiin sa smuggling ng 604 kilogram ng shabu noong Mayo.

Ayon kay Senador Ping Lacson, maliwanag sa mga naging pagdinig ng Senado na hindi mailulusot ang ganun karaming kontrabando kung walang basbas ng mga taga-BOC kay hindi sila makapaniwala sa desisyon ng DOJ.

“Many among us who participated and witnessed the Senate and the Lower House hearings on the smuggled P6.4 B shabu shipment are shocked and angered by the dismissal of the case against all the BOC personnel,” ani Lacson.

“It is unimaginable if not impossible that the drug shipment would reach its destination in Valenzuela without the participation and complicity of the BOC personnel involved,” diin ng senador.

Ayon kay Lacson, kung hindi man idiniin ng DOJ sa mismong drug smuggling ang mga taga-Customs, dapat ay panagutin pa rin ang mga ito sa kasong kriminal dahil lumusot sa tungkil ng kanilang ilong ang malaking shipment ng shabu.

“Simple logic will tell us that at the very least those under whose watch the drug shipment passed through should be held criminally liable as well,” diin nito.

Umaasa naman na babaligtarin ni Secretary Vitaliano Aguirre ang desisyon kapag nirepaso niya ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?