119

Jul 21, 2019 @ 13:27
By

Mga senador, congressman sama-samang nanood ng laban ni Pacquiao

Nagtipun-tipon ang ilang miyembro ng Senado at ng House of Representatives nitong Linggo (July 21) upang saksihan ang laban ng kanilang partymate na si Senador Manny Pacquiao kontra kay Keith Thurman.

Ang pagtitipon ay inorganisa ng ruling party na Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa isang mall sa Makati City.

Kabilang sa mga dumalo sa viewing party ay sina Senate President Tito Sotto, Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, Marinduque Representative Lord Allan Velasco, Pampanga representative Aurelio “Dong” Gonzales, at Ako Bicol party-list representative Alfredo Garbin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?