69

Jul 30, 2018 @ 17:05
By

Mga senador bawal nang istorbohin sa session hall

Naghigpit na sa paglapit at pagpapalitrato sa mga senador.

Resulta ito ng pulong ni Senate President Vicente Sotto III sa lahat ng mga senador noong nakaraang linggo.

Ipinagbawal na sa media ang pagpasok sa session hall at ang pag-iinterbyu roon bago magsimula ang plenary session.

Iimbitahin na lang sa labas ng session hall ang senador na gustong makapanayam.

Bawal na ring pumasok sa session hall ang sinuman, kahit mga opisyal at empleyado ng Senado o kaibigan ng mga senador, na gustong magpa-selfie o magpalitrato.

Hindi na rin pinapayagan ang mga bisita sa gallery na kumuha ng litrato o video habang nagaganap ang plenary session.

Nagkaroon na ng malaking screen sa session hall na nagsaaad sa mga tao na manatili sa kani-kanilang upuan.

Samantala ay pinaayos din sa kanilang kilos ang mga senador.

Sa halip na kani-kaniya silang pasok ng session hall gaya ng dati, diretso na muna ang mga senador sa Senator’s lounge at mula roon, sunod-sunod silang pumasok sa session hall.

Ayon sa sources, si Legarda, na dating media practitioner, ang nagmungkahi na ipagbawal ang paglaboy ng media sa session hall dahil nasasakop ang kaniyang puwesto kapag iniinterbyu ang kalapit niyang senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?