Tuloy na muli ang mga naunsyaming sea travel sa bansa na naapektuhan ng bagyong Auring ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Armand Balilo.
“Umaabot nga tayo sa 5,000 kahapon, pero ngayon po ay hindi na sila stranded kundi may mga delays na lang sapagkat ‘yung mga turnaround ng mga barko ay medyo mabagal,” anang tagapagsalita sa panayam ng Unang Balita.
Aniya, una nang nagsimulang magbalik-operasyon ang mga sea travel sa Surigao del Sur, Surigao del Norte, Bicol at Visayas noong Lunes.
Sambit niya, inaasahang magbabalik na sa normal na operasyon ang mga sea travel ngayong Martes.