462

By

Mga scientist nangangamba: Novel coronavirus nag-leak sa Wuhan laboratory?

Noong 2017, nagbabala na ang ilang scientist ukol sa pagkalat umano ng mala-SARS na virus sa isang laboratory sa Wuhan, China, kung saan pinag-aaralan ang ilan sa mga pinakadelikadong pathogen sa buong mundo.

At ngayong 2020 ay tila nangyayari na ito, saktong sa Wuhan din kung saan nagmula ang novel coronavirus na ngayon ay nasa 4,000 na ang natamaan habang lampas 100 ang napatay ng nasabing virus.

2017 ay tinayo sa China ang isa sa planong lima hanggang pitong biolab para masigurong ligtas ang pag-aaral sa ilang mga high-risk na pathogen tulad ng Ebola at SARS.

Ngunit ayon kay Maryland biosafety consultant na si Tim Trevan, may agam-agam ito na sa China itatayo ang nasabing lab lalo’t kilala ito na masikreto sa mga impormasyon sa ibang bansa.

Batay pa sa isang artikulo sa Nature, nanggaling umano ang SARS sa isang laboratory sa Beijing kaya hindi umano malayo na kaparehas itong sitwasyon sa novel coronavirus.

Sa ngayon ay tinuturo na sa Huanan Seafood Market nanggaling ang nCoV, na 20 milya lang ang layo sa Wuhan National Biosafety Laboratory kaya hindi maiwasang isipin ng iba na posibleng dito nanggaling ang virus.

Ang nasabing lab ay nakatayo sa Wuhan Institute of Virology, na nilunsad para tulungan ang China na mapag-aralan ang ilang pathogen na umaabot sa pinakamataas na biohazard level na biosafety-level-4 (BSL-4).

Sa ngayon ay 54 na laboratory ang umaabot sa BSL-4, at isa na rito ang nasa Wuhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?