13

Sep 11, 2020 @ 18:10
By

Mga sasali sa COVID vaccine trial tatanggap ng bayad – DOST

Makakakuha ng kompensasyon ang sinumang sasalang na Pinoy sa COVID-19 vaccine clinical trial ayon sa Department of Science and Technology (DOST).

Saad ni DOST Secretary Fortunato dela Peña, hindi papabayaan ang mga lalahok sa trial kapag nabigo sila makapasok sa trabaho dahil sa pagpapaturok ng bakuna.

“There will be a compensation para sa araw na hindi sila makakapagtrabaho. Two doses kasi iyon,” lahad ng kalihim sa dzBB.

Bukod pa sa compensation, tatanggap din ng meal at transportation allwance ang mga sasali sa vaccine trial.

Inaasahan na 1,000 volunteer ang tuturukan ng dinevelop na bakuna mula sa iba’t ibang bansa.

Hindi pa naman tukoy kung bagkano ang magiging allowance para sa mga volunteer.

“There is no amount yet, because this will be discussed and approved by the IATF and our Ethics Research Board,” ayon pa kay Dela Peña.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?