46

Jun 20, 2020 @ 11:25
By

Mga sangkot sa PhilHealth scam, na-promote pa!

Imbes na maparusahan ay na-promote pa ang apat na opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na nireklamo dahil sa pagkakadawit sa scam ukol sa paggamit ng mga claim para sa mga patay na palang pasyente sa WellMed Dialysis and Laboratory Center.

Sa report ng Philippine Daily Inquirer base sa PhilHealth Corporate Memorandum No. 2020-0037, na-promote bilang department manager III sina Cheryl Peña, Dr. Rizza Majella Herrera, Dr. Bernadette Lico at Recto Panti, na sinang-ayunan naman ng board of director ng PhilHealth noon pang Mayo.

Ang apat ay kasama sa 21 na sabit sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation tungkol sa pinag-usapang PhilHealth scam kung saan nireklamo sila sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, National Health Insurance Act, at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Paliwanag naman ni PhilHealth president and CEO Ricardo Morales, hindi umano nakakaapekto ang mga kasong nakahain laban sa apat na opisyal para sila’y ma-promote.

“If found guilty of criminal case involving moral turpitude, that is the time one can be dismissed from the service,” ayon kay Morales, na ibinase sa Section 11 ng Civil Service Commission’s 2017 Omnibus Rules on Appointments and Other Human Resource Actions na hindi makakaapekto ang mga administrative case sa promotion ng isang empleyado.

Giit naman ni presidential spokesperson Harry Roque, dapat ay nasuspende man lang ang mga opisyal na may kasong kriminal.

“That’s strange, since being impleaded in a criminal case should warrant preventive suspension at the very least from management,” giit ng kalihim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?