40

Sep 12, 2021 @ 17:20
By

Mga sangkot sa katiwalian kinampihan pa ni Duterte – VP Leni

Sa halip umano na pangunahan ang paglaban sa korapsyon, tila pinoprotektahan pa umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang opisyal ng pamahalaan na nasangkot sa katiwalian.

Ito ang pahayag ni Bise Presidente Leni Robredo kaugnay ng mga banat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga senador na nangunguna sa imbestigasyon ng katiwalian sa ngayon.

“Sana mas bukas sila sa boses nating lahat kasi kung ako naman si Pangulo, ‘di naman ako kasama sa corruption, yung mere allegation, bakit ko hihintayin Senado mag-imbestiga?” wika ni Robredo.

“Ako na mismo magpapaimbestiga. Ngayon, halatang halata na, siya pa nagco-coddle. Lahat ng ebidensya nasa harap mo na,” dagdag pa ng pangalawang pangulo.

Ilan sa mga ahensya ng gobyerno na nahaharap sa imbestigasyon kaugnay ng katiwalian ang Department of Health, habang isa naman sa mga tinututukang indibidwal ng Senado ang dating adviser ni Duterte na si Michael Yang.

Imbis na kumampi sa katotohanan, binanatan ni Duterte ang mga Senador na nag-iimbestiga sa katiwalian umano sa kanyang administrasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?