36

Jan 11, 2022 @ 12:02
By

Mga sanggol hanggang 4 taong gulang target isama sa vaccination rollout vs Covid

Kasama na ang mga sanggol hanggang apat na taong gulang na mga bata sa plano ng gobyerno na mabakunahan laban sa COVID-19.

Sa Talk to the People ni Panulong Rodrigo Duterte, inilatag ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez ang plano ng National Task Force Against COVID-19 sa patuloy na vaccination rollout sa buong bansa.

Sinabi ni Galvez na target nilang mabakunahan ang 90 milyong mga Pilipino bago matapos ang second quarter ng taon kabilang na ang mga sanggol hanggang edad apat.

“Ang atin po main objective ay mabakunahan ang 90 million na Pilipino. We are now making some contingencies to acquire doses that we need to include the ages 0-4 years old,” ani Galvez.

Unang target ayon sa kalihim ay matapos ang pagbakuna sa 77 million na mga Pinoy bago matapos ang Abril kasama na rito ang mga kabataang edad 12-17.

Ikalawang target ayon kay Galvez ay makumpleto ang bakuna ng 90 milyon na mga Pilipino bago dumating ang buwan ng Hunyo.

Pangatlong target aniya ay matapos ang pamimigay ng booster shots sa 7.16 milyong mga Pinoy sa third quarter ng 2022 at isusulong din ang pagbakuna sa natitirang populasyon para mabigyan ng proteksiyon ang lahat ng mga Pilipino.

“Our last milestone is to finish the boostering of the 71.16 million by the end of the third quarter and we will push for the rest of the population to make sure that all Filipinos are protecte by the vaccines,” dagdag ni Galvez. (Aileen Taliping)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?