77
views
star-apple
By

Mga sakit na kayang malunasan ng kaimito

Sharing is caring!

Alam n’yo bang kadalasang nagbubunga ang kaimito tuwing panahon ng tag-init.

Ang kaimito ay isang mataas na puno na may palapad at malambot na mga sanga. Kilala ito dahil sa bilugang bunga nito na maaaring kainin, matamis at kadalasang kulay lila kapag hinog na.

Ang mga dahon ay makapal, madagta, at may ibang kulay sa ibabaw at ilalim na bahagi. Ang iba’t ibang bahagi ng halamang kaimito ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan.

Mga sakit na maaaring matulungan sa bisa ng kaimito:

1. Pagtatae. Ang kondisyon ng pagtatae ay maaaring magamot sa tulong ng pag-inom sa pinaglagaan ng balat ng kahoy ng kaimito. Ang buto ay maaari ding dikdikin at ihalo sa inumin upang magamot ang pagdudumi.

2. Bulate sa sikmura. Maaaring magamit na pampurga sa mga bulate sa tiyan ang dagta na makukuha sa mga sanga at dahon ng kaimito.

3. Lagnat. Maaaring inumin ang tubig na hinaluan ng dinikdik na buto ng kaimito upang mapababa ang lagnat. Nakakapagpababa din ng lagnat ang pagkain sa laman ng bunga.

4. Diabetes. Sa ibang mga lugar, pinaniniwalaang makatutulong ang pagkain sa bunga ng kaimito sa pagkontrol ng sakit na diabetes. May kaparehong epekto din ang pag-inom naman sa tubig na hinaluan ng dinurog na buto ng kaimito.

5. Pulmonya. Ang pagkain sa bunga ng kaimito ay mabisa rin para sa pag-uubo dahil sa pulmonya.

6. Altapresyon. Makatutulong naman ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng kaimito para sa kondisyon ng altapresyon.

7. Sugat. Maaaring ipantapal sa sugat ang tinadtad na dahon ng kaimito upang mapabilis ang paghilom nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,