27

Mar 16, 2020 @ 15:11
By

Mga robot, tumutulong sa paggamot sa COVID-19 patient sa SoKor

Kabalikat na ng mga doktor sa South Korea sa panggagamot sa mga tinamaan ng coronavirus ang mga robot.

Ayon sa Seoul Medical Center sa ulat ng Korea Herald, may tatlong uri ng robot sa ospital: Ang isa ay nagtsetsek ng temperatura ng mga bisita.

Ang isa naman ay nag-sterilize ng mga negative pressure room habang ang isa pa, ang siyang nagtatapon sa disposal site ng mga nagamit na ng mga medical staff at pasyente.

Ang mga disinfectant robot na ito ay ipinahiram nang libre ng Korea Institute for Robot Industry Advancement at donasyon ng ilang pribadong kumpanya.

Ang Seoul Medical Center ang nagsisilbing COVID-19 treatment center sa Seoul.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?