1,261

Nov 10, 2021 @ 16:36

Mga retiradong pulis, solid sa Lacson-Sotto tandem

Buo ang suporta ng mga miyembro ng PNP Retirees Association, Inc. (PRAI) sa kandidatura ni Partido Reporma standard bearer Ping Lacson at ka-tandem na si Tito Sotto.

Sa pamamagitan ng paglalagay sa kanilang mga kaliwang kamay sa kanang dibdib, ipinakita ng mga miyembro ng Board of Directors ng PRAI ang mariing pagsuporta sa Lacson-Sotto tandem.

Ito ay binuo sa Bohol matapos ang inisyal na pagpupulong na naganap sa nasabing lalawigan.

Nakatakdang magdaos ng eleksiyon ang PRAI para sa mga bagong hanay ng opisyales sa Nobyembre 20.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?