85

By

Mga residenteng apektado ng water shortage, mineral water na ang ipinangliligo

Malaking tulong umano sa mga residente na apektado ng water service interruption sa Metro Manila at Rizal ang mineral at distilled water.

Sa report ng State of the Nation with Jessica Soho, makikitang nagsimula nang bumili ng galon-galong mineral water ang mga residente para makaligo.

Nababahala naman ang isang consumer rights watchdog group sa pagsasamantala ng mga negosyante sa kakulangan ng suplay ng tubig dahil may iba umanong water refilling stations ang nagpepresyo ng mas mataas sa orihinal nitong halaga.

Bunga nito nanawagan ang Laban Konsyumer, Inc., sa gobyerno na gumawa ng paraan laban sa mga mapagsamantalang negosyante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?