943

Sep 7, 2021 @ 19:33
By

Mga residente sa Rizal inuubos ng COVID, nagpasaklolo

Nanawagan ng tulong ang ilang residente sa Barangay Balibago, Talim Island sa Cardona, Rizal dahil sa sunod-sunod na pagkamatay ng kanilang kabaryo sa COVID-19 at marami na rin ang nagkakasakit.

Sa Facebook post ni Nene Halili nitong Setyembre 6, humingi siya ng ayuda para sa mga residenteng nagkusa nang mag-lockdown matapos makaranas ng sintomas ng virus.

Wala raw gamot, doktor at oxygen sa center ng kanilang lugar.

Nagkakasakit na rin umano ang mga frontliner at ang mga nasasawi sa virus ay hindi na nake-cremate dahil sila’y nasa isla.

Talamak din aniya ang nakawan ng baterya ng mga bangka sa lugar.

“Baka po merong pwede mag parating k Gov Ynarez tulong tulong n po kami pag hanap ng pag kain para s kanila sana poy makarating s mga kinauukulan paki share n lang po,” ani Halili.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?