123

Dec 6, 2017 @ 12:16

Mga residente sa Marawi, pabor sa martial law extension

Suportado ng mga residente sa Marawi City partikular na sa Barangay Basak Malutlut, kung saan unang sumiklab ang giyera kontra Maute group noong Mayo, sakaling palawigin ang martial law sa kanilang lugar.

Ayon sa UNTV, natatakot na umano ang mga residente sa lugar sakaling bumalik ang mga terorista at maghasik na naman ng gulo sa kanila.

Sinabi ni Noraida Aropanti, school principal, nagkaroon na siya ng trauma na dala-dala niya hanggang sa ngayon at mas nakakatulong umano kung ie-extend pa kung kinakailangan ang martial law para na rin sa seguridad at kapayapaan sa kanilang lugar.

Matatandaang kinumpirma na ng Korte Suprema ang nauna nitong desisyon noong Hulyo na pumapabor sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao.

Nakatakda itong matapos ngayong katapusan ng buwan na unang dineklara noong Mayo.

Kaugnay nito, nagpadala na umano ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte kung palalawigin pa ang martial law sa Mindanao at ang Punong Ehekutibo na umano ang magdedesisyon hinggil dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?