30

Feb 16, 2021 @ 17:15
By

Mga residente sa isla ng Taal Volcano inilikas

Puwershan nang ipinalikas ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Agoncillo, Batangas ang mga residente sa isla ng Taal Volcano matapos maobserbahan ang mga seismic activity ng naturang bulkan sa loob ng 24 oras.

“Pwersahan pong pinalilikas ang mga taong nasa pulo at mahigpit pa rin pong ipinagbabawal sa ating mga kababayan ang paglapit at manatili sa mismong isla dahil sa nakaambang panganib,” anang MDRRMO sa kanilang Facebook post.

“Pinapayuhan pa rin po ang publiko na ibayong pag-iingat at maging alerto, handa sa lahat ng oras. Ipagdasal po natin na sana ay huwag ng lumala pa ang sitwasyon at kalagayan ng ating mahal na Bulkang Taal,” pagpapatuloy nila.

Ayon kay Easha Mariano ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nakatanggap sila ng balita na inililikas na ang mga residente mula sa dalawang sitio sa Talisay.

“We received initial info na on-going ang evacuation sa mga residenteng na nasa Taal volcano mismo na dapat No Man’s land kaya kailangan sila palikasin. Ang mga pinapalikas ay mula sa dalawang sitio ng Municipality of Talisay,” saad niya sa isang mensahe.

Ito ay matapos maitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang 98 termor activity at volcanic earthquake sa Taal Volcano.


“Ground deformation parameters from continuous electronic tilt on Volcano Island record a slight deflation around the Main Crater since October 2020 but overall, very slow and steady inflation of the Taal region has been recorded by continuous GPS data after the eruption,” anang PHIVOCLS sa kanilang bulletin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?