14

Jun 23, 2020 @ 21:12

Mga residente ng Valenzuela na pa-Cebu isasalang sa virus test

Isasalang muna sa corona virus at quarantine test ang sinumang residente sa Valenzuela City na uuwi ng Cebu . Ayon kay Mayor Rexlon T. Gatchalian, ito ay pang masiguro na negatibo sa COVID-19 ang sinumang nagnanais mag-balik probinsiya.

“We’re going to make sure they are safe and when they go home to their respective households, they’re not potential carriers,” sabi ni Mayor Gatchalian. Sa kasalukuyan ay nasa enhanced community quarantine (ECQ) ang lungsod dahil sa pagtaas ng nagpo-positibo sa virus.

Ang hakbang na ito ng alakde ay base na rin sa derektiba ng pamahalaan na i-hold muna pansamantala ang mga taga-Metro Manila na pupunta ng Cebu, dahil sa pagtaas ng COVID-19. Sa kasalukuyan ay nasa modified enhanced community quarantine ang Talisay City sa lalawigan ng Cebu. (Orlan Linde)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?