193

Apr 15, 2020 @ 8:42
By

Mga residente nanawagan gamit ang saranggola

Nalungkot ang mga netizen nang masilayan ang pinalipad na saranggola na may mga katagang “Gutom na kami” at “DOLE asan ang 5K.”

Pinalipad ito sa bandang Alabang at Muntinlupa sa gitna ng home quarantine na utos ng gobyernong Duterte laban sa COVID-19 pandemic.

Matatandaang iba’t ibang subsidiya ang sinabing ibibigay ng mga ahensiya ng gobyerno, kabilang na ang P5,000 cash aid para sa mga empleyado na naapektuhan ng lockdown sa buong Luzon.

Nakisimpatya ang mga netizen sa hinaing ng mga nagpalipad ng saranggola, at may ibang ginustong direktang tumulong sa mga ito.

https://www.facebook.com/janusigop/videos/2631326796972934/

https://www.facebook.com/jasper.belaong.7/posts/3603083803096746

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=2924967917593309&set=p.2924967917593309&type=3

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?