202
pasig-river
Jun 29, 2019 @ 18:01
By

Mga residente malapit sa Pasig River, pinag-iingat sa baha

Naglabas ng abiso ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sa mga informal settler na naninirahan malapit sa Pasig River at mga estero sa posibleng pag-apaw ng tubig sa ilog dahil sa ulan.

Dapat umanong bantayan ng mga residente na nasa malapit sa ilog at estero ang alarm levels at weather updates para maging handa sa emergency situation.

Regular na rin umanong minomonitor ng PRRC ang sitwasyon ng ilog para sa kaligtasan ng mga residente sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?