15

By

Mga reklamo sa rice smuggling tutukan ng DOJ

Sharing is caring!

Inaalam na ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang kabuuang bilang ng mga reklamo na may kinalaman sa rice smuggling na nakabinbin sa kagawaran, pati na ang estado ng mga nasabing kaso.

Ito ay kasunod na rin ng babala ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga trader na sangkot sa rice cartel.

“I’m checking if there are other rice smuggling cases being investigated,” he said.

Sinabi ni Guevarra na pag-aaralan ng DOJ ang lahat ng mga ebidensya at saka gagawa ng kaukulang hakbang.

Kamakailan, hinimok ni Senador Cynthia Villar ang DOJ at Philippine Competition Commission na panagutin ang kahit isang rice smuggler para ipakita na seryoso ang gobyerno sa pagpapatupad ng batas laban sa rice smuggling.

Pinakahuli sa rice smuggling case na inihain ng Bureau of Customs sa DOJ ay ang reklamo laban sa mga opisyal ng Sta. Rosa Farms dahil sa iligal umanong pag-aangkat ng 200 container van ng bigas mula Thailand na dumating sa Manila International Container Port (MICP). /

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?