379
Mga rehab center nakatengga lang - Zubiri
By

Mga rehab center nakatengga lang – Zubiri

Bagama’t umabot sa 1.7 milyon ang mga drug dependent, marami umanong mga rehabilitation center sa bansa ang nakatengga lang o hindi nagagamit.

Inihalimbawa ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang P700-million rehabilitation center sa Bukidnon na hanggang ngayon ay hindi masyadong napapakinabangan.

Ang pasilidad ay may 80 pasyente lang sa kasalukuyan. Ang kapasidad umano nito ay hanggang 700 pasyente.

“It’s underutilized, Sir. May we request the Dangerous Drugs Board, saan lahat po ng Tokhang ng PNP (Philippine National Police)? Libo-libo ‘yung tinokhang sa Region 10 pero 80 lang ang nasa loob,” ani Zubiri.

Ayon naman kay Senador Panfilo Lacson, na nagdepensa sa pondo ng Dangerous Drugs Board at Philippine Drug Enforcement Agency na ang mababang bilang ng mga nagpapa-rehab ay indikasyon lang na epektibo ang pagsugo sa iligal na droga ng mga local government unit.

“Underutilized nga not because hindi nagagamit ‘yung full capacity, wala talagang nagpapa-admit kasi maganda nga ‘yung program,” sabi ni Lacson.

Maging sa Las Piñas ay wala din umanong na-admit sa kanilang drug rehab center, sabi ni Senadora Cynthia Villar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?