48

By

Mga ‘puting taxi’ posibleng ipagbawal sa NAIA

Sa dami umanong reklamong natatanggap ukol sa overcharging at pag-abuso, posibleng ipagbawal na ang mga taxi na nag-o-operate sa ilalim ng prangkisa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, hindi na umano pinapayagan ang mga “puting taxi” sa NAIA Terminal 1 mula pa noong Lunes at sakaling maging epektibo ay gagawin din ito sa iba pang terminal.

“Actually sa dami na nagkakaroon ng problema ‘yong mga nag-o-overcharge, nagkakaroon na kami ng trial ngayon. Sa Terminal 1, for two weeks, hindi na namin pinapapasok ang mga white taxi dahil nag-commit ‘yong mga concessionaire natin na kaya nilang suplayan,” ani Monreal sa panayam sa dzmm.

“So, ginagawan namin ng two weeks trial. Kapag ‘yan ay tumuloy-tuloy, susunod ko ‘yong Terminal 2 and 4. Medyo meron lang akong pag-aatubili sa Terminal 3. Sa laki ng volume ng umaalis at dumarating baka hindi kayanin ng transportation concessionaires,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?