14

Oct 3, 2021 @ 10:09
By

Mga pulis to the rescue sa bebot na manganganak sa Benguet

Nag-ala bayani ang tatlong pulis sa Antamok, Benguet matapos nitong tulungan ang isang ginang na manganganak na sa kanilang bayan.

Ayon sa ulat ng GMA News, nakatanggap ang Itogon Municipal Police Station ng tawag nitong MIyerkoles para sana manghingi ng tulong dahil iire na ang bebot.

Agad namang to the rescue ang mga parak at naabutang nakahiga na ang babae sa lapag.

Batay sa report, inlalayan ni Police Lieutenant Michelle Delos Reyes ang bebot habang tumulong din sina Police Corporal Desiree Sabelo at Irene Comising sa pagpapaanak.

Lumabas namang healthy ang baby boy ng ginang.

Matapos nito ay dinala ang mag-ina sa Baguio General Hospital para sa karagdagang medikasyon. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?