674
pulis

Mga pulis sa PNP Academy sibak dahil sa ‘blow job’ scandal

Sharing is caring!

Magsasagawa ang PNP ng malalimang imbestigasyon kaugnay sa nabunyag na diumanoy pag-uutos ng tatlong senior cadets sa PNP Academy sa dalawang junior cadets na mag-‘oral sex.’

Inatasan na ni PNP Chief Oscar Albayalde ang PNP Directorate for Investigation and Detective Management na masusing imbestigahan ang iskandalo.

Nabatid na sasampahan na ng kasong administratibo ang isang senior cadet, samantalang nanindigan naman ang dalawang junior cadet na maghahain sila ng magkahiwalay na kasong kriminal.

Sa paunang impormasyon, isa sa tatlong senior cadet ang nag-utos sa dalawang junior cadet na magsubuan ng ari habang nanonood lang ang dalawa nilang upperclassmen.

Ang diumanong insidente ay nangyari noong nakaraang Oktubre 6.

Idinagdag pa ni Albayalde na inatasan na niya ang PNP Directorate for Personnel na tanggalin ang lahat ng pulis na nakatalaga sa PNP Academy nitong nakalipas na dalawang taon dahil sa mga impormasyon ng kakaibang uri ng parusa na ginagawa sa mga kadete.

Pag-amin naman ng opisyal na ang huling iskandalo ang unang beses na pinaparusahan ng kadete ang kapwa kadete.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?