319

Feb 27, 2018 @ 12:24
By

Mga pulis sa Metro Manila, sakit sa ulo ni Duterte

Sakit pa rin sa ulo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis sa Metro Manila sa kabila ng mga ipinatupad na mga pagbabago sa Philippine National Police (PNP).

Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng bagong shooting range ng Arms Corporation of the Philippines (ARMSCOR) sa Davao City, inihayag ng Pangulo kay PNP Chief, Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang pagkadismaya nito sa mga pulis, partikular ang mga nasa Metro Manila.

Hindi lubos maisip ng Pangulo kung bakit hanggang ngayon ay marami pa ring mga pasaway na pulis.

“Alam mo, do not be offended but I’m okay with the Armed Forces. But I have a problem with the PNP and it does not begin today nor yesterday. It has been a perennial pain in the a** ever since. Sa Manila lang naman, Manila lang. Walang ano…” anang Pangulo.

Bahagya aniyang nakabangon na ang imahe ng PNP subalit hindi mapanatili ang respeto ng publiko sa mga pulis dahil may mga pulis pa ring sadyang matigas ang ulo.

“There seems to be a breakdown there. I don’t know what causes them to be derelicts. But the problem is the perception. Although it has gained the traction of respect from the Filipino people, hindi ma-sustain ‘yung momentum because every now and then, may mga pulis na talagang matigas,” dagdag pa ng Presidente.

Matatandaang simula nang maupo ang Pangulo sa puwesto ay marami na itong pulis na sinibak at ipinatapon sa Mindanao dahil sa iba’t ibang kaso gaya ng kidnapping, murder, drugs at iba pa.

Nag-alok din ito ng P2 milyon sa bawat mapapatay na ninja cops o mga pulis na nagre-recycle ng kanilang nakukumpiskang shabu sa kanilang anti-drug operations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?