157

Jun 29, 2019 @ 14:45
By

Mga pulis sa Metro Manila, naka-full alert

Itinaas sa full alert status ang mga pulis sa Metro Manila kasunod ng kambal na pagsabog sa bayan ng Indanan, Sulu, Biyernes ng gabi.

Walo katao ang nasawi habang 12 pa ang sugatan sa insidente.

“Having this measure would be of great help in deterring unscrupulous individuals in carrying out their illegal or terroristic acts,” ani National Capital Region police chief Major Gen. Guillermo Eleazar.

Giniit ni Eleazar sa publiko na manatiling nakaalerto at agad i-report ang anumang kahina-hinala sa NCRPO hotlines 0915-888-8181 at 0999-901-8181.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?